Home > News > ABS-CBN TVplus, NAGHATID NG LIBRENG PUBLIC VIEWINGS NG PACQUIAO-MAYWEATHER MEGAFIGHT

ABS-CBN TVplus, NAGHATID NG LIBRENG PUBLIC VIEWINGS NG PACQUIAO-MAYWEATHER MEGAFIGHT

Date posted: May 18, 2015 | Posted by: Kane Errol Choa, Head, Integrated Corporate Communications

Kakaibang excitement ang naramdaman ng mga bilanggo sa Quezon City Jail dahil sa unang pagkakataon ay napanood nila nang live at ang tuloy-tuloy na broadcast ng bakbakan ni Manny Pacquaio laban kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 3.

Isa lamang ang Quezon City Jail sa mga lugar na may limitadong access sa ganitong viewing experience na hinandugan ng ABS-CBN TVplus ng libreng public viewing ng tinaguriang “fight of the century,” kabilang na ang Camp Crame, Tahanang Walang Hagdanan, Philippine General Hospital, at San Jose Del Monte, Bulacan.

Kaya  naman labis ang pasasalamat ng Quezon City Jail sa ABS-CBN TVplus dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga bilanggo na suportahan ang Pambansang Kamao sa pinakamalaking laban ng kanyang karera.

“Sobrang thankful kami sa TVplus dahil first time na may gumawa ng ganito sa inmates. Kaya sobrang excited kaming lahat na manood,” pahayag ni Jayrex Bustinera, ang chief of public relations ng Quezon City Jail.

Bago naman itinakda ang libreng screening sa Camp Crame, nahirapang mag-ambag ng pera ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para mapanood ang laban nang live sa pamamagitan ng pay-per-view (PPV). Nabigyan ang kanilang kahilingan nang bigyan sila ng ABS-CBN TVplus ng libreng PPV coverage ng laban. Imbes na ipambayad ng PPV ang naipong pera, ibinili nila ito ng pagkain para sa kanila at kanilang mga pamilya habang nakatutok sa laban.

Hindi lang nagtatapos doon ang pagkakaroon ng PNP ng access sa malinaw na panonood dahil ibinigay na nang libre ng ABS-CBN TVplus sa kanila ang Mahiwagang Black Boxes na ginamit sa screenings.

Naging mas exciting at mas ramdam nga ang tensyon sa panonood ng laban ng mga bilanggo, kapulisan, may sakit, at magkakapamilya at magkakaibigan dahil sa pamamagitan ng Mahiwagang Black Box.

Klarong klaro ang bawat galaw at suntok sa live coverage ng laban na walang commercials, na dati ay cable TV subscribers lang ang nakakapanood.

Para sa kanilang nakapanood ng laban sa libreng ABS-CBN TVplus screenings, hindi man nagtagumpay si Pacman ay nananatili siyang isang idol at inspirasyon sa kanyang determinasyon at pagsisikap na labanan ang mga hamon sa buhay at pagbandera ng Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa digital TV na hatid ng ABS-CBN TVplus, bisitahin ang http://tvplus.abs-cbn.com.