Home > News > Ang bagong ABS-CBN TVplus TAMBAYAN

Ang bagong ABS-CBN TVplus TAMBAYAN

Date posted: September 8, 2015 | Posted by: Matt Alistair Austria

Muli na namang madadagdagan ang hiwaga ng ABSCBN TVplus dahil sa bagong feature nito na maghahatid ng makabuluhang impormasyon, tips, chika, balita at marami pang iba para sa buong pamilya – Ang TVplus Tambayan!

Ito ang latest feature na exclusive lang sa ABSCBN TVplus! Mayroon itong apat na major parts: Nanay Bida, Kapamilya Saya, Star Chika at Weather Balita. Para makapunta sa TVplus Tambayan, pindutin lang ang AUD button sa inyong TVplus remote control.

Sa Nanay Bida matatagpuan ang iba’t-ibang recipes at na madaling masusundan ni nanay. Narito din ang Price Watch mula sa Department of Trade and Industry (DTI) para mas matulungang mag-budget si nanay sa kanyang pamimili.

 

 

Kung masayang bonding ang hanap, sa Kapamilya Saya ibabahagi ang napapanahong events at announcements para ma-enjoy ng buong pamilya.

 

 

 

Mas magiging feeling close ka naman sa iyong favorite Kapamilya stars dahil ibabahagi sa Star Chika ang latest news at updates sa buhay nila sa tulong ng Push.com, ang entertainment news site ng ABS-CBN.

 

 

Anumang lagay ng panahon ay mapaghahandaan dahil Weather Balita ang magbabalita sa’yo! Direktang forecast ito mula sa PAGASA kaya sigurado ka sa weather announcement hindi lang sa Metro Manila, pati na rin sa ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa TVplus Tambayan, hindi lang todo sa maraming channels na pang-buong pamilya, ngayon, todo na rin sa info at updates! Exclusive ‘yan sa ABSCBN TVplus kaya kuha na!