Home > News > Coco Martin at ABSCBN TVplus may regalong hatid sa bawat Kapamilya!

Coco Martin at ABSCBN TVplus may regalong hatid sa bawat Kapamilya!

Date posted: November 10, 2015 | Posted by: Matt Alistair Austria


Coco Martin at ABSCBN TVplus may regalong hatid sa bawat Kapamilya!

Ngayong paparating na Pasko, inihahatid ng ABS-CBN TVplus at ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Todo Pamasko Promo. Mas affordable na ang malinaw na panonood ng top-rating show na pinagbibidahan ng hari ng teleseryeng Pilipino, Coco Martin.

Nahanap ni Coco sa ABS-CBN TVplus ang perfect panregalo ngayong pasko dahil ang mahiwagang blackbox, P1999 na lang! Dadalas ang bonding ng pamilya, dahil ang panonood ng super linaw na mga palabas mas abot-kaya na!

Tuloy-tuloy pang masusubaybayan ang kwento ni Cardo sa CineMo Action Marathon, linggo-linggo tuwing 2:00 PM ng hapon. Bukod sa CineMo na exclusive lang sa TVplus digibox, sulit na sulit talaga ang ABS-CBN TVplus dahil sa iba pa nitong malinaw at exclusive channels tulad ng YeY, DZMM Teleradyo at Knowledge Channel, nariyan din ang ABS-CBN at ABS-CBN Sports and Action.

Ang Todo Pamasko Promo ay limited offer lang kaya ‘wag nang pahuhuli! Para makabili, maaaring bisitahin ang www.abs-cbnstore.com o mag-text sa 23661 with FREE delivery. Available ang digital TV signal ng ABS-CBN TVplus sa ngayon sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, at Metro Cebu.

Para sa mas karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng ABS-CBN TVplus sa www.abs-cbntvplus.com at official TVplus Facebook page www.facebook.com/ABSCBNTVPlus

Sa Todo Pamasko Promo, ang ABS-CBN TVplus P1999 na lang kaya solb na ang panregalo niyo ngayong Pasko!