Home > News > Pagdating sa Papremyo, Sagot Ka Ni Kuya Jobert

Pagdating sa Papremyo, Sagot Ka Ni Kuya Jobert

Date posted: December 3, 2018 | Posted by: ABS-CBN TVplus


Ang uod kapag namatay, inuuod din ba? Bakit ang mga bagyo may pangalan pero walang apelyido? Ilang dangkal ba mula Metro Manila papuntang Baguio? Ang hirap ‘di ba, mga Kapitbahay? Tila napakaraming bagay sa mundo ang walang kasagutan. Buti na lang, sagot ka ni Kuya Jobert!

 

 

Kaya kung kayo ay may hindi alam, ‘wag mag-atubiling itanong ‘yan sa “Sagot Ka Ni Kuya Jobert!” Abangan ang pagbisita ng Sorpresaya sa inyong barangay at maaaring magkaroon ng kasagutan ang inyong mga katanungan. ‘Pag swertehin kayo at ang inyong tanong ang mapili, madadagdagan pa ang swerte na ‘yan dahil makakapaguwi pa kayo ng P500 at Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink* gift pack! Yayaman ang inyong kaalaman, bulsa, pati na rin ang iyong kalusugan dahil sagot kayo ng Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink*! Ayos, ‘di ba?

Kaya mga Kapitbahay, abangan ang pagbisita ng Sorpresaya at ng Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink* sa inyong barangay para makapagtanong at manalo sa “Sagot Ka Ni Kuya Jobert!” Pwede ring mapanood ang Sorpresaya mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 AM sa TVPlus Cinemo Channel (with replays at 10:30 PM)!

 

*Bear Brand Fortified Powdered Milk drink is not for infant feeding and is not a breast milk substitute.