Home > News > Cinemo Sorpresaya: Ikaw na ba ang susunod na ‘WANTED’?

Cinemo Sorpresaya: Ikaw na ba ang susunod na ‘WANTED’?

Date posted: December 3, 2018 | Posted by: ABS-CBN TVplus


Kadalasan, kaillangan ng sipag at tiyaga para makamit ang isang bagay. Pero minsan, tuwing napaparami ang hulog ng langit, ang swerte na mismo ang lalapit sa ‘yo--tulad ng swerteng dala ng Cinemo: Sorpresaya sa segment na ‘WANTED’.

 

 

Dito, bubunot si Kuya Jobert sa dropbox ng 20 ticket numbers. Kung ang numero mo ang natawag, isa ka sa magiging participants na aakyat sa stage--with the guaranteed cash prize of P1,000!

 

 

Pagkatapos, para malaman kung sino ang ‘Wanted’, isa-isang ire-reveal ni Kuya Jobert ang apat na description ng hinahanap na tao.

 

 

 

For example: Sa damit ay may kulay pula. Higit sa dalawa ang lagayan ng hikaw.
May dimples. May dalang perdible.
Doon malalaman kung sino ma-e-eliminate, at kung sino ang matitira sa stage for the grand prize!

 

 

At kung sinuman ang matirang participant na pasok sa apat na description ay mananalo ng... P25,000! Bongga ‘di ba? But wait--there’s more! Kung sakaling walang manalo sa araw na ‘yon, madadagdagan ang jackpot prize para sa susunod na araw ng ‘Wanted’--hanggang sa lumaki nang lumaki ang papremyo!

 

Kapag hawak mo na ang swerte, tibay naman ang kailangan mong baunin para makaakyat ng stage--tibay at lakas ng loob. Kaya kung sakaling ikaw ang susunod na WANTED, siguraduhing nakapag-BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk Drink ka, para panalo ka na sa swerte, panalo ka pa sa tibay!

 

Mapapanood mo ang Sorpresaya mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 AM sa Cinemo (with replays at 10:30 PM). Abangan sila sa barangay ninyo para makasali, for a chance to win cash prizes and more!

 

BEAR BRAND Fortified Powdered Milk drink is not for infant feeding and is not a breast milk substitute.