Home > News > METRO MANILA-WIDE EWBS TEST

METRO MANILA-WIDE EWBS TEST

Date posted: March 6, 2020 | Posted by: ABS-CBN TVplus


Maging handa, mga Kapamilya!

Kasabay ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong darating na March 12, Huwebes, 2:00PM, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Office of Civil Defense (OCD) ay magsasagawa ng Metro Manila-wide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) Test.

Ang EWBS ay isang digital TV feature na nagbibigay alerto at impormasyon kapag may naka-ambang kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, pagsabog ng bulkan, o tsunami.

Sa gaganaping Metro Manila-wide EWBS Test ngayong March 12, ang ABS-CBN TVplus digibox at iba pang digital TV devices ay mag-a-alarm at makatatanggap ng mensahe kapag ito ay nakatutok sa ABS-CBN, Sports+Action, CineMo, YeY, o DZMM Teleradyo.

PAALALA: Huwag mag-panic kapag narinig ang emergency alarm at natanggap ang mensahe dahil ito po ay EWBS test lamang.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta, mga Kapamilya.