MABILIS IKABIT AT MADALING GAMITIN!

Sa ABS-CBN TVplus, mae-enjoy mo agad ang mas malinaw at mas masayang panonood ng mga paborito mong palabas.
Pwede ito sa kahit anong model ng TV, basta may AV input.


INSTALLATION GUIDE

Frequently Asked Questions

TV Plus

Saang areas available ang signal ng ABS-CBN TVplus?

Ang ABS-CBN TVplus ay available sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao City, Cagayan de Oro and Batangas.

Paalala lamang po, tulad po ng ibang digital gadgets kagaya ng cellphone, maaari pong magkaroon ng mahinang signal sa inyong lugar kahit nasa coverage area. May mga pagkakataon na ang signal ay natatakpan ng mga gusali o bundok or mayroon pong mga dead spots.

Magkano ang ABS-CBN TV Plus?

Ang suggested retail price ng ABS-CBN TVplus ay P1,499 – one-time payment lang.

Magkano ang Monthly Service Fee ng ABS-CBN TV Plus?

Ang ABS-CBN TVplus ay walang monthly service fee, and suggested retail price ay P1,499 one-time payment lang.

Ano ang laman ng ABS-CBN TV Plus box/kit?

Ang bawat ABS-CBN TV Plus box/kit ay naglalaman ng mga sumusunod na items:
-1 set-top box
-1 power adapter
-1 indoor antenna
-1 RCA cable
-1 Remote Control
-2 pcs AAA battery
-Installation Guide with Warranty Card

Ano ang mga channels na mapapanood sa ABS-CBN TVplus?

Available sa ABS-CBN TVplus ang mga sumusunod na channels:
- ABS-CBN
- ABS-CBN Sports & Action
- Cinemo
- Yey
- DZMM Teleradyo
- KBO (Kapamilya Box Office)
Ang Knowledge Channel, Asianovela Channel, Movie Central, Jeepney TV, MYX, at O Shopping ay maaaring mapanood sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, and CDO.

Pwede bang magpa deliver na lang dito sa address namin? Magkano ang charge?

Pwede pong magpa-deliver ng ABS-CBN TVplus by texting ORDER to 23661. Ang delivery po ay FREE of charge.

Pwede bang via credit card o cash lang?

Depende po sa outlet, retailer or dealers na bibilihan ninyo kung tumatanggap sila ng cash or credit card payment. Sa kasalukuyan maaaring bumili online gamit ang credit card sa ABS-CBN Online Store – www.abs-cbnstore.com.

Madadagdagan pa ba ng ibang channels ito in the future?

Sa kasalukuyan, ang channels na mapapanood ay- ABS-CBN
- ABS-CBN Sports & Action
- Cinemo
- Yey
- DZMM Teleradyo
- KBO (Kapamilya Box Office)
Ang Knowledge Channel, Asianovela Channel, Movie Central, Jeepney TV, MYX, at O Shopping ay maaaring mapanood sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, and CDO.

Maaaring madagdagan ang mga channels in the future.

Pwede ba naming gamitin yung USB port?

Hindi pa po maaring gamitin ang USB Port.

Saan maaaring pumunta kung defective ang box or ang accessories? Meron bang Service Center ang ABS-CBN TVplus?

Maaaring pumunta sa anumang branch ng Solid Service Center para ipa-check or magpapalit ng defective na ABS-CBN TVplus box or accessories. Maaaring mag-refer sa user manual para sa listahan ng Solid Service Center branches.

SERVICE CENTERS IN METRO MANILA

1. METRO MANILA
Tel. No.: (02) 456-8888

2. MAKATI
Ground Floor, B MJL Building, 1175 Don Chino Roces Ave., Pasong Tamo

3. QUEZON AVE.
99-107 Quezon Ave., near Welcome Rotonda

4. PASIG-CAINTA
Ground Floor, Semicon Bldg., Marcos Highway

5. BALINTAWAK
1172 EDSA Balintawak, beside LRT Balintawak Southbound Station

6. KALAW
1000 J. Bocobo St. corner TM Kalaw St. Ermita, Manila

7. ALABANG
104 Southgate Building, Finance Drive, Madrigal Business Park, Ayala Alabang, Muntinlupa City

8. ORTIGAS
The Portal Green Field District, Mandaluyong City



SERVICE CENTERS IN LUZON

1. BAGUIO CITY
4 Road 2 Quezon Hill, Naguillan Road
(074) 442-6294

2. CABANATUAN
Maharlika Hi-way, Brgy. Bernardo, Cabanatuan City
(044) 958-8154

3. CAVITE
2nd Floor, GRS Building, Anabu II, Aguinaldo Highway, Imus
(046) 450-9804

4. DAGUPAN
RS Bldg., Sunrise Subd., Arellano Bani, Dagupan City
(075) 515-4408

5.LIPA
Unit C, K-Pointe, Ayala Hi-way, Sabang
(043) 757-2490 (Telefax)

6. LUCENA
Maharlika Highway, Ibabang Dupay, beside SM City Lucena
(042) 710-9177

7. MALOLOS
71 McArthur Highway, Brgy. Dakila, Malolos
(044) 305-2035

8. SAN FERNANDO
GOP Bldg., St. Francis Village, Dolores
(045) 860-0868

9. SAN PABLO
Maharlika Highway, Brgy. San Roque, in front of Shell and after San Pablo Medical Hospital
(049) 562-0823

10. TARLAC
Stall 9, Mariposa Bldg., McArthur Highway, San Nicolas, beside Jecson Hospital
(045) 982-8037



SERVICE CENTERS IN VISAYAS

1. BACOLOD
Door 15, VCY Center, Hilado Extension Capitol Shopping Center
(034) 434-0206

2. CEBU
267 Osmena Blvd., beside YMCA
(032) 253-5675

3. ILOILO
Cor. Brgy. San Rafael, Sen. B. Aquino Ave., Diversion Rd., Mandurriao
(033) 321-1104 (Telefax)




SERVICE CENTERS IN MINDANAO

1. CAGAYAN DE ORO
A. Velez St. corner Mabini St., Cagayan de Oro City, beside PSBank
(088) 850-0806

2. DAVAO
110-A Pichon St., Davao City, before Imperial Legaspi
(082) 227-8270

May warranty ba ang ABS-CBN TVplus?

May warranty po ang ABS-CBN TVplus – one month sa accessories at one year sa box. I-present lamang po ang warranty card sa ABS-CBN TVplus Service Centers.

Paano ko gagamitin ang ABS CBN TVplus kung walang saksakan ng RCA ang bago naming TV?

Sa mga bagong TV na lumalabas ngayon sa merkado, kadalasan ay pinapalitan na ang RCA connection sa TV ng 3.5mm Jack. Karamihan ng mga bagong TV ngayon na 3.5mm ang gamit na Audio / Video ay may kasama na AV Adapter cable.

Upang magamit ang ABS CBN TV Plus, isaksak ang AV Adapter cable sa likod ng TV kung saan nakasulat ang AV (Audio/Video) In. Ikabit naman ang RCA Cable na kasama ng ABS CBN TV Plus sa AV Adapter.
Ang AV Adapter cable ay kasama sa pagbili ng TV.

Pagkabit ng AV Adapter Cable:
• Ikabit yung Maliit na connector sa AV In.
• Pagkatapos ikabit ang kasamang RCA Cable ng ABS CBN TV Plus sa Female RCA ng AV Adapter Cable.
• Siguraduhing nakakabit ang kabilang parte ng RCA sa ABS CBN TV Plus.

Ang kasama na cable lang ng ABS CBN TV Plus ay ang RCA cable lamang.
Listahan ng mga TV na gumagamit ng AV Adapter:

TCL
Model:
• 65” E5700
• 55” E5690
• 40” E5700
• 50” E5690
• 55” S4690
• 48” S4690
• 40” S4690

Warranty for units purchased unauthorized re-seller (internet selling sites, third party sellers, etc.)

Kung may warranty card ang inyong nabili na ABS-CBN TVplus, maari po itong ipakita sa Service Center.

Meron naman akong warranty card pero wala akong registration card, covered ba ito ng warranty? (Box was purchased online re-seller or given as a gift)

Kung may warranty card pero wala ang registration card, covered pa din ito ng warranty. May form lang na ibibigay ang Service Center na kailangang i- fill out.

Ano ang pagkakaiba ng analog vs digital signal?

Ang analog telebisyon ay nakakatanggap ng programming sa pamamagitan ng frequencies na galing sa television transmitter tower. Dahil mababa pa ang uri or kalidad ng video, madali itong lumalabo kapag nalalayo sa source ng transmitter tower at maraming bagay ang pwedeng mag-interfere sa analog signal tulad ng mga malalaking gusali, electrical power, sounds at iba pa.

Ang digital tv gumagamit din ng frequency ngunit dahil digital na, mas consistent at crystal clear ang resolution ng image at sounds. At hindi masyado naaapektuhan ng ibat ibang bagay. At sa isang frequency, maraming channels ang nailalagay dito.

Yung Digibox pwede bang gamitin kahit luma na yung TV ko (CRT)?

Compatible po ang ABS-CBN TVplus sa kahit anong klaseng TV – CRT or Flat Screen, bago o luma, pwede pong gamitin kahit anong model ng TV set basta may AV or RCA connector.

Pwede ba itong gamitin/install sa kotse?

Mayroon na pong nag-install ng ABS-CBN TVplus sa kanilang sasakyan ngunit ang ABS-CBN TVplus po ay designed para gamitin sa bahay na nakapirmi sa isang lugar lamang, at ang bundled accessories po ay para sa home use.

Yung TV ko may built-in na ISDBT mapapanood ko ba yung channels nyo?

Mapapanood po ang ABS-CBN, ABS-CBN S&A. Subalit ang ibang TVplus exclusive channels tulad ng Cinemo, YeY, DZMM at KBO (Kapamilya Box Office) ay hindi po mapapanood.

Magagamit ba ang ABS-CBN TVplus sa ibang lugar?

Magagamit po ninyo ang inyong ABS-CBN TVplus sa sumusunod na lugar:

- Metro Manila
- Rizal
- Cavite
- Laguna
- Bulacan
- Pampanga
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pangasinan
- Benguet
- Metro Cebu
- Bacolod
- Iloilo
- Davao City
- Cagayan de Oro
- Batangas.

Ano ang gagawin kapag lumabas sa screen and Error 48 or E 48 No signal?

1. I-check ang signal strength at quality. Siguraduhing mayroong signal strength na 30 at quality na 50 pataas.
2. Kung mababa o walang signal na nakukuha, i-check ang frequency. Gamit ang TVPlus remote, i-press ang Menu, piliin ang Settings at pindutin ang Manual Search.
3. Siguraduhing tama ang Frequency base sa inyong area. Narito ang list ng mga Areas at ang assigned Frequency:

• NCR, Bulacan, Cavite, Rizal – 647143
• Laguna - 677143
• Nueva Ecija, Tarlac – 599143
• Pampanga, CDO – 533143
• Benguet, Pangasinan – 587143
• Batangas – 629143
• Cebu, Iloilo – 611143
• Davao – 521143
• Bacolod – 527143

4. Kung mali ang Frequency, i-type ang tamang Frequency at i-press ang OK button.
5. Kung hindi ma-i-save ang nilagay na Frequency, ilipat ang location ng antenna hanggang makakuha ng tamang signal strength at quality.
6. Kung wala pa ring masagap na signal, i-text ang HELP CALL at i-send sa 23661. Salamat po.

Ano ang gagawin kapag lumabas sa screen and Error 16 or E16: Scrambled Channel?

Kapag lumabas sa screen ang “E16: Scrambled Channel”, ilipat lang po sa ABS-CBN channel or sa Sports & Action Channel at maghintay ng 20 to 30 minutes. Pagkatapos, ilipat na ulit sa exclusive channels. Kapag hindi pa din mapanood ang exclusive channels on test broadcast (Cinemo, Yey, Knowledge Channel, DZMM Teleradyo at KBO), mag text sa 23661.

Para saan po ang mga connector sa likod ng digibox?

ANT IN – para ito sa bundled antenna o sa external antenna (e.g. Baron antenna)

ANT OUT – para po ito sa connection sa Analog TV, kung iisa lang po ang antenna na ginagamit para sa digital and analog.

RF OUT – para sa TV
RF IN – para sa analog antenna
Ginagamit ang RF OUT at RF IN kung walang RCA input ang TV.

Maaari bang gumamit ng ibang antenna sa ABS-CBN TVplus? Anong klaseng antenna ang pwedeng gamitin?

Maari pong gumamit ng ibang antenna para sa ABS-CBN TVplus subalit hindi natin matitiyak kung ito ay compatible sa digibox. Pwede po ninyong subukan gamitin ang UHF antenna.

Anong pagkakaiba ng Digibox niyo sa Analog channels?

Ang mga palabas sa Digibox ay mas malinaw na kumpara sa local channels sa analog.

Paano maging dealer ng digibox?

Pwede po kayong mag send ng message sa [email protected] para mag inquire kung papaano maging dealer at ang mga requirements. Tatawagan po kayo ng aming Sales Representative para sa proceso ng documentation & accreditation, at pag-order.

May HDMI port ba ang ABS-CBN TVplus?

Mayroon pong TVplus models na may HDMI port. Lahat ng TVplus box models ay nagbibigay ng pare-parehong TV viewing experience - malinaw na panonood at exclusive channels.

Bakit delayed ang activation ng KBO ko? Nag-text na ako, wala pa rin.

Para sa mas mabilis na KBO activation, siguraduhing nakatutok sa KBO channel bago mag-register.

Kung nakakaranas ng delay sa KBO activation, maaaring i-text ang KBOPUSH at i-send sa 2366.

Ano ang KBO?

Ang KBO (Kapamilya Box Office) ay isang channel sa ABS-CBN TVplus kung saan maaaring makapanood ng weekly movies sa pamamagitan ng pag-register via text gamit ang kahit anong SIM.

Magkano ang KBO at anong makukuha ko dito?

Ang KBO ay nagkakahalagang P30. Mapapanood sa channel na ito ang local movies sa loob ng limang araw simula Biyernes hanggang Martes.

Sino ang pwedeng mag-avail ng KBO?

Lahat ng may ABS-CBN TVplus at active prepaid o postpaid sim (Globe, TM, Smart, TNT and Sun) maaaring mag-avail ng KBO.

Anu-ano ang available movies at airing dates?

Para malaman ang available KBO airing dates, i-text ang KBO LIST to 2366. Free of charge. Ito rin ay makikita on-air at sa TVplus Facebook page.

Ano ang program schedule ng KBO?

Mapapanood ang MYX sa KBO Channel every Saturday 12mn hanggang 10am. Susundan ito ng KBO movies every Saturday 10am hanggang Sunday.

Saan ko mapapanood ang KBO?

Ang movie offers ay mapapanood sa KBO Channel ng ABS-CBN TVplus.

Ano ang weekly cut-off time sa pag-activate ng KBO?

Every 3pm ng last day ng airing (Tuesday) lang po pwede mag-avail para sa linggong iyon para mapanood parin ang buong movie line-up ng KBO para sa linggong iyon.

Bakit hanggang 3:00pm lang pwede mag-avail ng KBO para sa weekend na iyon?

Hanggang 3:00pm ng last day of airing (Tuesday) lang po pwede mag-avail para sa linggong iyon para mapanood parin ang buong movie line-up ng KBO para sa linggong iyon.

Pwede bang gamitin ang isang sim sa pag-activate ng KBO sa dalawa o higit pang TVplus box?

Yes, Kapamilya. Kailangan mo lang siguraduhin na may sufficient load (P30) ang SIM para makapag-activate ng KBO sa bawat box.

Saan makikita ang box ID ng TVplus box?

(1) Pindutin lang ang GREEN button sa TVplus remote o (2) Pindutin ang MENU button sa remote, pumunta sa SETTINGS at pumunta sa BOX ID.

Paano ko malalaman kapag activated na ang aking KBO?

Makakatanggap ka ng SMS na activated na ang KBO mo para sa napiling week at makikita sa KBO channel na activated na ito.

Para siguraduhin ang mabilis na activation, tumutok sa KBO channel bago mag-register.

Magkano ang kailangan ko i-load para makapag-register ako sa KBO?

Kailangan ng at least P30.00 para maka-avail ng KBO.

Register Warranty

Register Warranty

Technical Specification

Technical Specifications